Makisilong ang isang sawi
Ang dasal ay tulungan
Itong pusong nagkamali
At walang masilungan
Sa silong ng paglingap mo
Nagtago ang pag-ibig
Pakisilong ng hirap ko
Sa lupit ng daigdig
Buksan mo ang pinto ng puso mo
Sa isang kubling sulok nito
Makikitago rin ako
At ang pag-ibig na pinagkait
Marahil do'n makakamit
Sa puso mong sa wari kay bait
Makisilong itong sawi
Sa payong ng pangarap
Mabawasan kahit kaunti
Ang aking paghihirap
Makisilong na ring sabay
Sa payong ng paglimot
Ilahad mo ang iyong kamay
Upang aking maabot
Buksan mo ang pinto ng puso mo
Sa isang kubling sulok nito
Makikitago lang ako
At ang pag-ibig na pinagkait
Marahil do'n makakamit
Sa puso mong sa wari kay bait
At buksan mo ang pinto ng puso mo
Sa isang kubling sulok nito
Makikitago lang ako, oh
Buksan mo ang pinto ng puso mo
Sa isang kubling sulok nito
Makikitago lang ako
Mais de 15 cursos com aulas exclusivas, materiais didáticos e exercícios por R$49,90/mês.
Tenha acesso a benefícios exclusivos no App e no Site
Chega de anúncios
Mais recursos no app do Afinador
Atendimento Prioritário
Aumente seu limite de lista
Ajude a produzir mais conteúdo